Maganding gabi po sa inyo. Ako po si Vkyh Subia Ungco, ang bunsong anak ni Daddy Domingo.
Ako po, kasama ang aking buong pamilya, ay taus-pusong nagpapasalamat sa inyong pagparito at pakikiramay sa pagpanaw ng aking mahal na ama.
Daddy Domeng was a very good family man. Good provider po ang daddy namin. Loyal, faithful and
loving husband to his first wife, my mother, the late Gloria Cruz Subia at sa aking stepmother na si Tita Amelia. Doting lolo and great grand lolo din po ang Daddy sa kanyang mga apo.
He gave me and my older brother, Manny or Banunu, as my dad fondly called him, a good Catholic education.
Malimit pong kasapi ng mga organisasyon ang aking ama sa simbahan at maging sa aming bayan. Sa kanya ko po marahil nakuha ang inspirasyong maging involved din sa aking mga advocacies sa simbahan at sa lungsod ng Taguig.
Spoiler po ang Daddy namin. Very loving, even to a fault. He doted on us by giving us everything that we needed and wanted. Di pa man uso ang branded, meron na po kami noon dahil kay Daddy.
May access naman siya sa mga ganoong bagay dahil empleyado siya ng isang multinational company, ang SC Johnson and Sons, Inc.
Nagsimula po siya dun bilang isang salesman and he rose up the ranks to become an International Consultant. He and Mommy Gloria were able to travel extensively and see the world.
Pero ano man po ang naranasan naming kaginhawaan noon ay hindi dumating ng madali sa aking Daddy. Ito po ay kanyang pinagsikapan at pinagtrabahuhan.
Dad was a smart, talented, hardworking man who came from a simple family with simple means. Pero nakita po niya ang kahalagahan ng edukasyon at pagsusumikap. Iniangat at pinagbuti po niya ang kanyang sarili at naitaguyod niya ang kanyang pamilya ng maayos.
Si Daddy Domeng po ay anak ni Fidel Subia at Potenciana Soriano, parehong tubong Bataan – sa Balanga at Orion. Ang aking Lolo ay nagtrabaho bilang civilian employee sa Corregidor Island, isang US Military Base. Siya po ay kapatas sa Ammunition at Artillery Unit doon.
Kaya po kung nakilala niyo po ang aking Daddy noong siya ay nabubuhay pa, malamang nabanggit niya sa inyo na siya ay “born and raised in Corregidor,” isang bagay na talagang ipinagmamalaki niya.
Sa Corregidor, siya at ang mga kapatid niya ay nakatanggap ng magandang edukasyon at nagkaroon ng pagkakataong ma-enjoy ang maraming perks of American living. Doon, natuto silang mag-bike, mag-swim at mag-tennis.
Siguro, doon nakuha ni Daddy ang kanyang pagka-articulate, pagka-matalino at pagkahilig sa sports at pagiging health and fitness buff.
Pero noong Second World War, when the Japanese invaded the Philippines, napaalis ang lahat ng civilian employees at ang kanilang mga pamilya na naninirahan sa Corregidor.
Si Daddy at ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay umuwi ng Bataan at doon, siya ay sumapi sa Guerilla Movement. Pinalad naman siya na hindi mapasama sa Death March noong bumagsak ang Corregidor at Bataan.
However, his older brother, Conrado, was not so fortunate. Isa siyang professor noon at UP ROTC commandant but he was not able to survive the concentration camp.
Wagas po ang pagmamahal ni Daddy sa Pilipinas at ipinagmamalaki rin po niya ang kanyang pagka-Pilipino, kahit na noong nasa Amerika na siya.
Hindi po siya nawalan ng pag-asa na bubuti ang kondisyon ng ating bayan at madalas po niyang tinuturuan ang aking mga anak at pamangkin tungkol sa ating kasaysayan. Marahil, itong pag-ibig sa bayan rin ang nagtulak sa kanyang sumama sa resistance laban sa mga Hapon, bilang guerilla.
Nang mag-surrender ang Bataan at Corregidor, Dad, with the rest of his family, managed to escape Bataan and flee to Ususan, Taguig. Sumakay po sila ng bangka at binaybay ang Manila Bay patungong Pasig River hanggang mahantong nila ang bayan ng Taguig.
Daddy studied in Rizal High School and earned a degree in Accountancy at the Jose Rizal College.
Sa Taguig na rin po sila nagkakilala ng aking ina, si Mommy Gloria, na isa sa mga unang midwife o komadrona ng Taguig Rural Health Unit.
Daddy considered Taguig his hometown, as much as he did Bataan. Dito po ay naging aktibo siya sa paglilingkod sa Sta. Ana Church bilang member ng church choir at Legion of Mary. Naging kasapi rin po siya ng Kiwanis International at naging Grand Knight ng Knights of Columbus. Isa rin po siya sa mga nagtatag ng Ususan Credit Union.
Ganito pong uri ng civic, community and church involvement ang kinalakihan naming magkapatid. Dahil po sa ipinundar ng aming mga magulang, nagkaroon kami ng maraming kaibigan at kakilala sa Taguig, lalong lalo na sa barrio ng Ususan.
In 1984, my mother passed away. Iniwan po niyang nagdadalamhati ang aking ama at kaming mga anak at apo niya. But my father was a resilient man and if pain and obstacles were put before him, his only response was to pray, trudge slowly, move on and move forward. My father may have lost the love of his life but he did not lose his spirit.
Naglakbay po siyang muli.
Nakatanggap siya ng magandang offer na magtrabaho sa isang multinational company sa Jeddah, Saudi Arabia. Dito, namalagi ang aking ama at naging successful na Filipino expat. Nanatili din siyang committed sa kanyang pananampalataya bilang Katoliko at Kristiyano kahit na mahirap itong gawin noon sa bansang tulad ng Saudi.
Ncoong siya ay minsang bumisita sa Amerika, nakilala niya ang isang kababayan, si Tita Amelia, at sila ay nagpakasal noong 1988. Dahilan siguro sa aking attachment sa aking ina at agam-agam tungkol sa kanilang whirlwind relationship, tumutol ako sa kanilang relasyon noong una. But I was proven wrong.
In their life together, my dad embarked once more on a new journey, a new beginning. Again, he strived to become a good husband and a good family man.
Nakita ko po na naging masaya ang aking Daddy kay Tita Amelia. Nakita ko ang pagmamahal nila sa isa’t isa. At nasaksihan ko rin ang pag-aaruga ni Tita kay Daddy hanggang sa kanyang mga huling araw dito.
Nang bumalik sila dito sa Pilipinas, matapos ang matagal na paninirahan sa Amerika, naging abala muli ang Daddy sa mga gawain ng Senior Citizens at ng Filipino-American Veterans Federation.
In his 88 years on earth, my Dad lived a full and happy life.
Nalulungkot man po kami ngayon at nami-miss namin siya, nakakahanap po kami ng konswelo kapag nakikita namin ang mga taong natulungan niya, kapag naalala namin ang mga magagandang alaalang iniwan niya.
If I were to describe my father, I would call him a traveler, an adventurer, a man constantly journeying. Manlalakbay po ang tatay ko.
Hindi po takot si Daddy na lundagin ang buhay. He was not afraid to take chances, to seek out his happiness, to look for a greater sense of fulfillment and lastly, to grasp a deeper opportunity to serve.
Lahat po ng pinagdaanan ni Daddy sa kanyang paglalakbay sa buhay ay kinapulutan niya ng aral at hindi siya naging madamot sa pagbabahagi nito sa lahat ng kanyang nakasalamuha.
Sa kanya po namin natutunan ang pagmamahal sa pamilya, ang importansya ng pagpapabuti ng sarili at ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa.
My father was not a perfect man, but he tried to be a good man, the best man he could be – always, a good example to his family and his community.
Maraming salamat po sa inyong pagpaparangal sa aking ama. Batid ko po na nasaan man siya ngayon, he is looking down at us with a big smile and with great appreciation for this honor you have bestowed upon him.
Robert Fulghum once said,
“Hope always triumphs over experience. Laughter is the cure for grief. Love is stronger than death.”
Wherever you are Dad, keep smiling. We love you.
Saturday, November 24, 2012
Subscribe to:
Posts (Atom)